Case Explained: ICC concludes confirmation of charges hearing in Duterte case  - Legal Perspective

Case Explained:This article breaks down the legal background, charges, and implications of Case Explained: ICC concludes confirmation of charges hearing in Duterte case – Legal Perspective

Binuksan ng mga Hukom ng ICC “Pre-Trial” na Kamara I ang pagdinig noong ika-23 ng Pebrero 2026 sa upuan ng Korte sa The Hague (The Netherlands) ©ICC-CPI.

Ngayon, ika-27 ng Pebrero 2026, ang kumpirmasyon ng mga sakdal na pagdinig sa kasong Ang Tagausig laban kay Rodrigo Roa Duterte ay pinagpasiyahan sa harap ng “Pre-Trial” na Kamara I ng Internasyonal na Korte para sa Krimen (ICC), na binubuo ng Hukom Iulia Antoanella Motoc (Punong Hukom), at mga Hukom Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera. 

Ang pakay ng kumpirmasyon ng mga sakdal na pagdinig ay upang tiyakin kung o walang sapat na ebidensya para magpatibay ng mga basehan upang maniwala na ginawa ng pinaghihinalaan ang bawat isang isinakdal. Kung kinumpirma ang mga sakdal, sa kabuuan o sa bahagi nito, ang kaso ay ililipat sa isang Kamara ng Paglilitis (“Trial Chamber”), na kung saan magsasagawa ng kasunod na yugto sa mga proseso: ang paglilitis. 

Pagkatapos marinig ang pasalitang pagsusumite (“oral submissions”) galing ng Tagausig, ng Iisang Legal na mga Kinatawan para sa mga Biktima at ng Depensa, narinig ng mga Hukom ang kani-kanilang mga pangwakas na pahayag. Ang pagdinig tungkol sa kumpirmasyon ng mga sakdal ay naganap sa kawalan ng pinaghihinalaan, sinunod ang pagbibigay-pahintulot galing sa Kamara para sa kahilingan ni Ginoong Duterte na talikuran ang kanyang karapatang dumalo sa pagdinig. 

Magsisimula ngayon ang mga hukom sa kanilang mga deliberasyon. Alinsunod sa Regulason 53 ng Mga Regulasyon ng Korte, ang “Pre-Trial” na Kamara ay maghahain ng nakasulat nitong desisyon sa loob ng 60 mga araw ng petsa kung kailan nagtatapos ang pagdinig para sa kumpirmasyon. Pagkatapos nito, ang “Pre-Trial” na Kamara ay: 

  • kumpirmahin ang mga sakdal na iyon na naitakda ng Kamara na may sapat na ebidensya, at ipasailalim sa paglilitis ang pinaghihinalaan sa harap ng Paglilitis na Kamara (“Trial Chamber”);
  • tanggihan na kumpirmahin ang mga sakdal na iyon, na kung saan natukoy nito na mayroong hindi sapat na ebidensya at ihinto ang mga proseso laban kay Ginoong Duterte;
  • ipagpaliban ang pagdinig at maghain ng kahilingan sa Tagausig na magbigay ng karagdagang ebidensya, upang magsasagawa ng karagdagang mga pagsisiyasat o para baguhin ang kahit anong sakdal na kung saan ang mga isinumiteng ebidensya ay  nagpapatunay na naganap ang isang krimen na iba sa inihaing sakdal. 

Hindi pinapayagan ang Depensa at ang Tagausig na maghain ng direktang apela laban sa desisyong ito. Gayunpaman, maaari silang humiling ng pahintulot galing sa “Pre-Trial” na Kamara upang magsampa ng apela laban nito. 

Ang pinagmulan: Si Ginoong Duterte ay pinaghihinalaan tungkol sa mga krimen laban sa sangkatauhan na pagpatay at pagtangkang pagpatay, na umano’y ginawa sa teritoryo ng Republika ng Pilipinas sa pagitan ng ika-1 ng Nobyembre 2011 at ika-16 ng Marso 2019 sa kontekstong giyera laban sa druga (“war on drugs”) na kampanya. Kasunod ng isang kahilingan ng Tangggapan ng Tagausig sa ICC, ang mandato ng pag-aresto (“warrant of arrest”) laban kay Ginoong Duterte ay ipinagkaloob ng Kamara bilang isang “Sekreto” noong ika-7 ng Marso 2025 at muling inuri bilang isang “Publiko” noong ika-11 ng Marso 2025. Noong ika-12 ng Marso 2025, isinuko sa ICC si Ginoong Duterte.   

Ang unang pagharap ni Ginoong Duterte ay nangyari noong ika-14 ng Marso 2025. Ipinagpaliban ng “Pre-Trial” na Kamara I noong ika-8 ng Setyembre 2025 ang kumpirmasyon ng pagdinig, na nakatakdang magsisimula noong ika-23 ng Setyembre 2025, upang humatol hinggil sa Pagpapaliban ng Kahilingan ng Depensa dahil sa kakayahan ng kalusugan ni Ginoong Duterte para makilahok sa mga paglilitis. Noong ika-26 ng Enero 2026, nakita ng “Pre-Trial” na Kamara I na malusog si Ginoong Rodrigo Roa Duterte para makilahok sa mga proseso ng “Pre-Trial” at itinakda ang pagsisimula ng kumpirmasyon ng mga sakdal na pagdinig para sa ika-23 ng Pebrero 2026. 

Photographs of the hearing  
(Mga litrato ng pagdinig

Audiovisual materials  
(Mga audio-visual na materyales) 

Kaugnay na impormasyon: 

Para sa karagdagang mga impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa “ICC Public Affairs Unit”: [email protected]. Maaari mo ring sundan ang mga gawain ng Korte sa Twitter/X, Facebook, YouTube, Instagram at Flickr 

Napagpasiyahan ng ICC ang kumpirmasyon ng mga sakdal na pagdinig sa kaso ni Duterte